15 May 2025
Calbayog City
National

Pilipinas, babalangkas ng defense agreement kasama ang Canada, France, at New Zealand 

NAKATAKDANG bumalangkas ang Pilipinas ng military interoperability agreements kasama ang Canada, France, New Zealand, at iba pang mga kaalyadong bansa.

Pahayag ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ilang linggo matapos lagdaan ng bansa ang Reciprocal Access Agreement (RAA) kasama ang Japan.

Ang RAA ay isang kasunduan na nagsisilbing ligal na basehan ng mga sundalong pilipino at hapon sa pagsasagawa ng military exercises sa bawat teritoryo.

Sinabi ng kalihim na pinag-aaralan nila ang mas malapit na relasyon sa United Kingdom, na nagpahayag ng masidhing interest na pagtibayin pa ang alyansa sa Pilipinas.

Idinagdag ni Teodoro na inaasahang maseselyuhan ang mga bagong kasunduan sa susunod na taon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.