Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Patricia Yvonne Caunan bilang bagong Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kapalit ni Arnell Ignacio.
Agad na nanumpa sa pwesto si Caunan kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Nagpasalamat si Caunan sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kaniya ng pangulo.
Si Caunan ay nagsilbing DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation simula 2022 at malaki ang ginampanang papel sa labinglimang bilateral labor agreements sa Canada, Austria, Saudi Arabia, Qatar, Finland, Denmark, Singapore, Croatia, Slovenia, at Kuwait.
Isang abogado si Caunan ay mayroong track record sa labor, civil, administrative at criminal law.
Samantala, wala namang binanggit na dahilan ang Malakanyang kung bakit pinalitan si Ignacio.
