Umabot sa 82.20 percent ang naitalang Voter Turnout ng Commission on Elections (Comelec) sa nagdaang May 12, 2025 National and Local Elections.
Ayon sa Comelec. ang buong bilang ng Registered Voters, Local Absentee Voters at Registered Overseas Voters ay 𝟔𝟗,𝟔𝟕𝟑,𝟔𝟓𝟑.
Sa nasabing bilang, 𝟓𝟕,𝟑𝟓𝟎,𝟗𝟔𝟖 ang bumoto o katumbas ng 82.20% na pinakamataas sa kasaysayan ng midterm elections sa bansa.
Pumapangalawa ang bilang na ito sa 84.10% na voter turnout noong 2022 Presidential Elections, kung saan mahigit 55 milyong botante ang aktwal na bumoto mula sa 65 milyong registered voters.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Comelec sa mga guro, pulis, sundalo at treasurers na naglingkod sa halalan; sa lahat ng kawani ng Comelec mula sa Main at Field Offices; sa mga Deputized Agencies, Partner Government Organizationa, PPCRV, NAMFREL, Media at sa mga social media platforms tulad ng Meta, Tiktok, Google, at X na may malaking kontribusyon sa paghinto ng misinformation at disinformation; at sa sambayanang Pilipino na mapayapa at tapat na bumoto.