PINAPURIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga sundalong naka-destino sa Palawan dahil sa pagiging kalmado at propesyonal sa gitna ng mainit na pagtatalo laban sa mga miyembro ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal noong nakaraang linggo.
Sa kanyang talumpati sa meet-and-greet sa Western Command Personnel sa Puerto Princesa, sinabi ng Commander-In-Chief na hindi na dapat pang maulit ang pinakahuling Maritime Aggression ng China sa Resupply Mission para sa BRP Sierra Madre.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na ipagpatuloy lamang ang pagbabantay at pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas.
Binigyang diin ng punong ehekutibo na sa kabila ng mapanganib na sitwasyon ay napanatili ng mga Pilipinong sundalo na maging mahinahon, propesyonal, magtimpi.
