PINANGUNAHAN ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Kasalang Bayan 2024 Ceremony na dinaluhan ng limampu’t limang pares sa Calbayog City Sports Center.
Sa pamamagitan ng espesyal na okasyon ay pinagtibay ng mga ikinasal ang kanilang pagmamahal at pangako sa isa’t isa.
Ang presensya naman ni Mayor Mon ang nagbigay ng karagdagang karangalann at kahalagahan ng okasyon, para pag-isahin ang mga magkasintahan at mga nagsasama na, sa matrimonya ng kasal.
Binigyang diin sa Kasalang Bayan 2024 ang importansya ng kasal at pamilya sa Calbayog City.