DETERMINADO ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na marekober ang Assets ng mga personalidad na sangkot sa maanomalyang Flood Control Projects.
Sa pulong kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, sinabi ni ICI Chairperson Andres Reyes na dapat ay nagamit ang pondo para sa pagbuti ng buhay ng mga Pilipino, sa halip na nilustay ng mga korap na indibidwal para ibili ng mga mamahaling sasakyan, ginamit sa engrandeng bakasyon, at ipangsugal sa mga Casino.
 200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination 200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
 Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
 NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
 ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Aniya, lahat ng mga Responsable ay dapat managot at makulong, subalit para tuluyang maghilom ang bansa, hindi sapat ang hustisya lamang.
Binigyang diin ng dating Supreme Court justice na kailangan ng Restitution o maisauli ang mga kinulimbat na pera ng taumbayan.
Kabilang sa mga dumalo sa Meeting sina Public Works Secretary Vince Dizon, Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, at mga kinatawan mula sa Department of Justice, Anti-Money Laundering Council, Bureau of Internal Revenue, at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									