WALA pang natatanggap na kumpirmasyon ang Department of Justice (DOJ) mula sa mag-asawang contractors na Curlee at Sara Discaya, kung titigil na rin sila sa pakikipag-cooperate sa imbestigasyon ng ahensya sa maanomalyang Flood Control Projects.
Pahayag ito ni Prosecutor General Richard Fadullon, kasunod ng pag-atras ng mag-asawa sa pagtulong sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aminado si Fadullon na nabigla sila sa pag-withdraw ng mga Discaya sa ICI, subalit sa DOJ aniya, ay wala pa naman silang natatanggap na pahiwatig na hindi na magpapatuloy ang mag-asawa sa pakikipag-usap sa kanila.
Binawi ng Discaya couple ang kanilang kooperasyon nang mapanood ang Media INTERVIEW ni ICI Commissioner Rogelio Singson, kung saan sinabi nito wala pang kahit isa, na kwalipikadong maging State Witness.
