NAKATAKDANG tumanggap ang mga lokal na magsasaka ng bigas sa Northern Samar ng mas malakas na Agricultural Support, matapos opisyal na mapabilang ang lalawigan sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Regional Office, isa itong Major Milestone para sa sektor ng agrikultura sa probinsya, dahil magbubukas ito ng access para madagdagan ang Financial Assistance, Modern Machinery and Equipment, High-Quality Rice Seeds, Credit Support, at Capacity-Building Training para sa mga magsasaka.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Binigyang diin ni DA Eastern Visayas Officer-in-Charge Rodel Macapañas na sa pamamagitan ng Official Inclusion ng Northern Samar sa ilalim ng RCEF Program, maari nang tumanggap ang mga lokal na magsasaka ng bigas ng tulong pinansyal na mula 5,000 hanggang 7,000 pesos bawat isa.
Bukod sa Financial Aid, makatatanggap din ang mga magsasaka ng Trainings tungkol sa Efficient and Climate-Smart Farming Techniques, Soil Health Management, at paggamit ng Modern Agricultural Machinery.
