HINDI muna matutuloy ang Livestreaming sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa susunod na Linggo.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, kailangan munang buuin ng ICI ang Guidelines at pamamaraan bago magsagawa ng Public Hearing.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Wala din naman aniyang Hearing sa susunod na Linggo dahil hindi makakarating si ICI Member Rogelio Singson.
Sa isa namang pahayag sinabi ni ICI Chairman Justice Andres Reyes, Jr. na naririnig nila ang apela ng taumbayan para sa pagsasapubliko ng pagdinig.
Gayunman, bago ito maisagawa y dapat mapag-aralan at makapag-draft muna ng Rules of Procedures at maitakda ng Parameters para sa LIVESTREAMING.
