17 November 2025
Calbayog City
Local

DepEd Region 8, kinondena ang pamamaril sa 1 paaralan sa Leyte na ikinasawi ng 1 guro

NAGPAHAYAG ang Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas (Region 8) ng labis na pagkabahala at mariing pagkondena, kasunod ng pagkasawi ng isang public school teacher bunsod ng pamamaril sa loob ng classroom sa Matalom, Leyte.

Sinabi ng Deped Region 8 na labis na nakaapekto ang insidente sa Education Community, kasabay ng pagbibigay diin na kailangan na agarang palakasin ang Safety at Security Measures sa mga eskwelahan upang ma-protektahan ang mga mag-aaral at personnel.

Nagpaabot din ang DepEd Region 8 ng simpatya at pakikiramay sa biktima, sa pamilya nito, at buong School Community.

Nangyari ang insidente, dakong alas onse ng umaga noong Miyerkules sa Agbanga Elementary School, kung saan binaril ang trenta’y nueve anyos na guro na si alyas “Ellen” ng kanyang kwarenta’y nueve anyos na asawa na si alyas “Lino.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).