20 August 2025
Calbayog City
Business

PAGCOR, nag-remit ng 12.67 billion pesos sa Treasury

NAG-remit ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng 12.67 billion pesos na dibidendo sa Bureau of Treasury.

Sa statement, sinabi ng PAGCOR na ang halaga na itinurnover nila sa Treasury ay kumakatawan sa 75% ng kanilang Net Income noong 2024.

Sa nakalipas na taon ay nakapagtala ang State Gaming Firm ng Net Income na 16.76 billion pesos na mas mataas ng 146% kumpara sa 6.81 billion pesos noong 2023.

Idinagdag ng PAGCOR na ang kanilang dibidendo sa Treasury ay mas mataas kumpara sa 50% remittance na mandato sa ilalim ng Republic Act No. 7656 o the Dividends Law. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).