INILARAWAN ni US President Donald Trump na wala nang mas malakas pang partner ang Amerika kundi Saudi Arabia, sa kanyang first major foreign trip.
Sa kanyang pagbisita sa Riyadh, nangako ang US President na babawiin ang lahat ng sanctions laban sa Syria, kasabay ng pagsasabing panahon na para umusad ang bansa.
Sa unang araw ng tour, inanunsyo ng US at Saudi Arabia ang 142-Billion Dollar Arms Deal, pati na ang iba pang investments, na ayon sa crown prince ng bansa ay maaring umabot sa 1 trillion dollars.
Ang iba pang biyahe ni Trump sa Middle East ay kinabibilangan ng Qatar at United Arab Emirates.