ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang batas na bigyan ng buwanang ayuda ang mga mahihirap na full-time housewives.
Sa ilalim ng House Bill 3141 o Nanay ng Tahanan Bill na inihain ng 1Tahanan Partylist, bibigyan ng P1,500 na ayuda kada buwan ang mga kwalipikadong housewife na nasa below poverty threshold.
ALSO READ:
Ayon kay 1Tahanan Partylist Rep. Nat Oducado, noong kasagsagan ng kampanyahan ay nakita niya ang hirap ng mga full-time housewives.
Para maging benepisyaryo nito, ang housewife ay kailangang may anak na dose anyos pababa, o kaya ay may anak na may mental incapacity.
Bahagi ng kondisyon ng panukalang batas na dapat ang anak ay nag-aaral sa public school.




