BAHAGYANG bumaba sa 17.46 trillion pesos ang Outstanding Debt ng National Government noong katapusan ng Setyembre.
Batay sa datos ng Bureau of Treasury, mas mababa ito ng 0.07 percent o 13.089 billion pesos mula sa 17.47 trillion pesos na utang noong katapusan ng Agosto.
ALSO READ:
Ito na ang ikalawang sunod na buwan na bumaba ang Outstanding Debt ng Pamahalaan.
Gayunman, mas mataas pa rin ito ng 0.6 percent kumpara sa tinayang Yearend Debt Level na 17.36 trillion pesos.
Sa Year On Year, lumobo ng 9.83 percent ang utang ng gobyerno mula sa 15.89 trillion pesos na naitala noong September 2024.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									



