LIMA pang suspek ang inaresto bunsod ng kanilang pagkakasangkot sa Louvre Heist, ayon sa Public Prosecutor sa Paris.
Hindi pa tiyak ang naging papel ng mga bagong dinakip sa pagnanakaw ng mga alahas na tinayang nagkakahalaga ng 102 million dollars, sa World’s Most-Visited Museum noong Oct. 19.
Pinasok ng apat na kawatan ang Building sa katirikan ng araw saka tinangay ang mamahaling mga alahas na hanggang ngayon ay hindi pa narerekober.




