PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Toll Collection System Interoperability Project, na kilala rin sa tawag na “One RFID, All Tollways,” na layuning mabawasan ang pagka-antala ng mga motorista sa biyahe.
Sinabi ng pangulo na simula ngayon ay isang RFID Sticker na lamang ang kailangan para sa lahat ng Toll Expressways sa Luzon.
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
DepEd, aminadong naging mabagal ang konstruksyon ng mga silid-aralan
Idinagdag ni Marcos na sa susunod na taon naman ilulunsad ang para sa Group at Fleet Accounts.
Aniya, ang Goal ng pamahalaan ay diretsong biyahe mula North hanggang South Luzon, na walang Stress at Delays.
Sa Launching, personal na inobserbahan ni Marcos ang Online Registration Process sa pamamagitan ng pagbisita sa RFID Service Providers na Autosweep and Easytrip.
Sinaksihan din ng pangulo ang pagtatanggal ng hindi na kailangang RFID Stickers mula sa mga sasakyan na may Multiple Installed RFIDs, at isang Sticker lamang ang linalagay kada sasakyan.