HINDI pa kailangang obligahin ang publiko na magsuot ng Face Masks, sa kabila ng nararanasang Flu Season.
Tugon ito ni Department of Health (DOH) Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo, matapos tanungin kung ipapatupad ng ahensya ang Mandatory na pagsusuot ng Face Masks sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sa Quezon, kasunod ng pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Paliwanag ni Domingo, ikinu-konsidera ng DOH ang Severe Hospitalization at ang pagdagsa ng mga pasyente na ina-admit sa Intensive Care Units, bilang Factors bago magpasya kung gagawing Mandatory ang pagsusuot ng Face Mask.
Idinagdag ng Health Official na mahirap din ang pagpapataw ng parusa sa mga hindi sumusunod, dahil may mga ilang indibidwal na naka-face masks nga pero mali naman ang pagkakasuot.
Nagbabala rin si Domingo laban sa mga negosyante na posibleng samantalahin ang sitwasyon at taasan ang presyo ng Face Masks, sa gitna ng mataas na Demand.
