NAGPULONG ang ilang mga Diocese sa Metro Manila at kalapit na lalawigan para talakayin ang paghahanda sa posibleng pagtama ng “Big One.”
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Archdiocese of Manila, Archdiocese of Lipa, Diocese of Kalookan, Diocese of Novaliches, Diocese of Antipolo, at Diocese of Malolos.
ALSO READ:
Dumalo din sa pulong ang mga kinatawan mula sa Caritas Manila at Emergency Response Integration Center.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas sa kahandaan ng mga simbahan sakaling magkaroon ng malakas na pagyanig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Magugunitang ilang simbahan ang napinsala sa magkasunod na malakas na pagyanig sa Cebu at Davao Oriental.




