MUKHANG masusundan pa ang bilang ng mga opisyal ng gobyerno na matatanggal sa pwesto.
Sa kaniyang speech sa Bagong Bayani Awards 2025, nagbiro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa cabinet shake-up.
ALSO READ:
Ito ay makaraang sabihin ni Pangulong Marcos na naging ambassador na for migrant workers si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa kaniyang pakikilahok sa mga programa ng OWWA para sa mga OFW.
Dahil sa birong cabinet shake-up ng pangulo, lumakas ang bali-balita na maaaring masundan pa ang mga opisyal ng gobyerno na matatanggal sa pwesto.
Magugunitang apat na buwan simula nang ibunyag ni Pangulong Marcos sa kaniyang SONA ang anomalya sa Flood Control Projects, marami-rami nang opisyal ng gobyerno ang nasibak.




