TATLO lamang sa pitong luxury cars ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang naisubasta na ng Bureau of Customs.
Target sana ng pamahalaan na kumita ng 103 million pesos sa auction sa mga sasakyan ng Discaya, pero 38 million pesos lamang ang kinita.
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Kabilang sa naisubasta ang isang Lincoln Navigator na napunta sa Lestrell Jewelries; ang Mercedes Benz G500 Brabus at Mecedes Banez G63 AMG na parehong napunta sa winning bidder na Simplex Industrial.
Balak naman ng BOC na iadjust ang floor price at depreciation rate ng apat pang nalalabing mga sasakyan. Ayon sa BOC, mula sa 10 percent depreciation rate ay possible itong itaas sa hanggang 60 percent.
Sa mga susunod na araw ay ilalabas ang updated na presyo sa iba pang mga sasakyan.
