NANINDIGAN ang PNP-Drug Enforcement Group (P-DEG) na lehitimong shootout ang nangyari sa Buy-Bust Operation sa 15th Avenue sa Quezon City, na ikinasawi ng tatlong suspek.
Isang pulis at isang impormante naman ang nasugatan, habang isa pang suspek ang nakatakas.
ALSO READ:
Sinabi ni PDEG Director, Police Brig. Gen. Elmer Ragay, na matagal isinailalim na surveillance ang mga suspek, at targeted at validated ang intelligence report upang maiwasan ang misencounter.
Sa CCTV video na ibinahagi ng PDEG, ipinakita ang naging galaw ng apat na lalaki na nakipagbarilan sa mga awtoridad.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong baril at sampung kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 68 million pesos.




