BILANG paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong Undas 2025 naglabas ng paalala ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport sa mga bibiyaheng pasahero.
Ayon sa NAIA, tinatayang aabot sa 1.35 million na mga pasahero ang bibiyahe sa lahat ng Terminals ng paliparan.
Narito ang ilan lamang sa mga paalala sa mga bibiyahe sa NAIA:
– Pack Smart and Secure – iwasang magdala ng bawal na mga gamit
– Check-In Online – gamitin ang Airline App o Website para makapag-check in na bago dumating sa Airport
– Arrive Early – para sa International Flights dumating ng 3 hours bago ang biyahe at 2 hours bago ang biyahe para sa Domestic Flights.
– Speed Through Immigration – gawin na ang eTravel Registration bago dumating sa Airport
– Prepare for Security – ihanda na ang Passport at Boarding Pass at magsuot ng sapatos na madaling hubarin.




