Magbibigay ng isang buwang moratorium ang National Housing Authority (NHA) sa amortization at lease payments sa mga pabahay nito sa buong bansa para makabawas sa problema ng mga residenteng nakaranas ng pagbaha dulot ng mga bagyo at Habagat.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2025-141 inaprubahan ang one-month payment moratorium para sa mga housing beneficiaries ng NHA.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Tai na suspendido ang paniningil ng bayad sa house amortization at rent amula August 1 hanggang 31, 2025 nang walang ipapataw na interest o penalties.
Sa September 1, 2025 muling kukulekta ng bayad ang NGA at muli ring babalik sa normal ang pagapataw ng interest at penalties.
Sinabi ng NHA na marami sa mga binahang residente ang nagsisimula pa lamang magkumpuni ng binaha o nasira nilang bahay kaya dagdag pahirap sa kanila ang mga buwanang bayarin.
