Ang Games and Amusement Board o GAB ang magtatalaga ng accredited at professional referee sakaling matuloy ang boxing match sa pagitan nina acting Davao City Mayor Baste Duterte at Philippine National Police chief Nicolas Torre III.
Sa inilabas na Resolution No. 2025-08 ng GAB, mandato nito sa ilalim ng batas na i-regulate at pangasiwaan ang mga professional boxing para matiyak ang kaligtasan at integridad ng mga ganitong event.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sinabi ng GAB na ang kanilang accredited referees ang magtitiyak na ang laban na isasagawa ay susunod sa rules at standards ng boxing.
Inatasan na din ng GAB ang kanilang medical team na kinabibilangan ng mga doktor at paramedics na magkaloob ng medical assistance kung matututloy ang laban.
