NAGLUNSAD ang National Housing Authority (NHA) sa Eastern Visayas ng kanilang Condonation Program upang mabigyan ng Financial Relief ang mga benepisyaryo ng pabahay na mayroong Delinquent Accounts, upang maayos ang kanilang Loans at matiyak ang Ownership ng kanilang bahay.
Ang hakbang ay ipinatupad sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2025-075 o Socialized and Low-Cost Housing Loan Restructuring and Condonation Program.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Saklaw nito ang mga benepisyaryo na mayroong Outstanding Residential Accounts o Housing Loans na may Cumulative Arrearages na katumbas na hindi bababa sa tatlong Monthly Amortizations, as of May 1, 2025.
Sinabi ni Silverio Gempeson Jr., Officer-in-Charge ng NHA Leyte I District Office, na nagbibigay ang programa ng 100 Percent Condonation of Penalties and Delinquency Charges at 95% Condonation ng Unpaid Interest. Ang programa ay pakikinabangan ng mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang Housing projects, gaya ng Kadungganan Village Project, Fisherman’s Village, Cancabato Ville, Sangyaw Village AFP/PNP Housing Project sa Tacloban City, at Palo Housing Project sa Palo, Leyte.
