IPINAG-utos ng Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas ng agarang paghihigpit sa Security Protocols sa buong rehiyon.
Kasunod ito ng pamamaril na ikinasawi ng isang guro sa loob ng classroom sa Matalom, Leyte.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Inilabas ni DepEd Regional Director Ronelo Al Firmo ang direktiba sa lahat ng DepEd Field Offices sa layuning palakasin ang seguridad sa mga campus at hindi na maulit ang kaparehong insidente.
Kabilang na rito ang pagkuha ng Security Personnel sa mga eskwelahan, pakikipag-ugnayan sa PNP para sa karagdagang Visibility at presensya ng pulis sa mga paaralan, at paghingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay para sa posibleng Deployment ng mga tanod.
Noong Biyernes ay personal na binisita ni Firmo ang burol ng nasawing guro upang ipaabot ang pakikiramay ng DepEd at tiyakin sa pamilya nito at sa School Community ang buong suporta ng ahensya sa panahon ng pagluluksa.
Binisita rin ng opisyal ang Agbangan Elementary School na pinangyarihan ng insidente upang i-assess ang sitwasyon at pinangunahan ang implementasyon ng Safety Measures para sa teachers, learners, at staff.
Binawian ng buhay ang trenta’y nueve anyos na guro na kinilala lamang sa alyas “Ellen” matapos barilin ng kanyang kwarenta’y nueve anyos na mister na si alyas “Lino” na kinalaunan ay nagpakamatay.
