KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang hakbang ng China na aarestuhin ang sinumang dayuhan na magte-trespass sa South China Sea, kabilang sa mga lugar na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi katanggap-tanggap ang naturang hakbang para sa Pilipinas, kasabay ng pangakong gagawin ng gobyerno ang lahat para protektahan ang mga Pilipino.
Sa ilalim ng kontrobersyal na regulasyon na magiging epektibo sa Hunyo, inatasan ng Chinese Government ang China Coast Guard na arestuhin at ikulong ang mga trespasser ng hanggang animnapung araw, ayon sa report ng Hong Kong-Based na South China Morning Post.