27 March 2025
Calbayog City
National

Bilang ng mga naapektuhan ng El Niño, pumalo na sa mahigit 4.5 milyong katao

UMABOT  na sa mahigit apat punto limang indibidwal ang naapektuhan ng El Niño Phenomenon, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Sa datos mula sa DSWD Disaster Response Management, as of May 18, umabot na sa 1,181,568 families mula sa 6,017 barangays sa labing apat na rehiyon ang naapektuhan ng El Niño.

Kinabibilangan ito ng mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central,Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, Cordillera, at BARMM.

Inihayag ng DSWD na ang mga apektadong indibidwal ay napagkalooban na ng 372.4 million pesos na halaga ng humanitarian assistance.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *