NAKAREKOBER ang militar ng ipinagbabawal na anti-personnel mine, isang rifle at personal na kagamitan matapos makipagsagupaan sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bulubunduking barangay ng Roxas, sa bayan ng Catubig sa Northern Samar.
Ayon sa 20th Infantry Battalion, nasamsam sa isinagawang clearing operations kasunod ng bakbakan, ang pampasabog, isang M653 assualt rifle, labing isang backpacks, isang mobile phone, isang tablet, at ilang mahahalagang dokumento.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Naniniwala si Lt. Col. Richard Villaflor, na iniwan ng mga rebelde ang mga pampasabog, armas, at personal na kagamitan para makatakas mula sa mga humahabol na sundalo kasunod ng labinlimang minutong engkwento noong Miyerkules.
