INAPRUBAHAN ng Northern Samar Provincial Government ang increase sa incentives ng accredited at registered Barangay Health Workers (BHWs), upang palakasin ang commitment sa pagpapalakas ng community-based health services.
Sa ilalim ng Sangguniang Panlalawigan Ordinance No.4, Series of 2026, itinaas ang annual incentive para sa BHWs sa 8,400 pesos o 700 pesos per month mula sa dating 500 pesos na monthly rate.
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Sinabi ni Governor Harris Ongchuan na ang naturang hakbang ay bahagi ng priority agenda ng administrasyon na palakasin pa ang Local Health System at mapagbuti ang access sa basic health services.
Inihayag ng Provincial Government na layunin ng incentive adjustment na kilalanin ang dedikasyon ng BHWs at hikayatin sila na magbigay ng essential health services sa mga residente sa buong lalawigan.
Ang lalawigan ng Northern Samar ay mayroong mahigit limandaang BHWs na nagsisilbi sa rural communities.
