ISANG modernong jail facility na nagkakahalaga ng 150 million pesos ang itatayo sa Tacloban City upang matugunan ang matinding pagsisikip sa Tacloban City Jail Male Dormitory.
Ang plano ay iprinisinta sa meeting ng Leyte Provincial Peace and Order Council, kahapon, na pinamunuan ni Governor Carlos Jericho Petilla.
ALSO READ:
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Ayon kay Jail Provincial Administrator Supt. Jim Buranday, tinalakay sa pulong ang nakaaalarmang congestion rate sa kulungan.
Sa kasalukuyan, ito ang most overcrowded facility sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology sa Eastern Visayas (BJMP-8).
Batay sa datos ng BJMP-8, 527 Persons Deprived of Liberty (pdl) ang nakakulong sa male dormitory, 230% na mas mataas kumpara sa ideal capacity na 150 inmates.
