TUMAAS ng 3.6 percent ang benta ng mga bagong sasakyan noong Hunyo, kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), umakyat sa 40,483 units ang New Vehicle Sales noong ika-anim na buwan mula sa 39,088 units noong June 2024.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Bagaman bumaba ang Passenger Car Sales ng 34.9 percent noong Hunyo, tumaas naman ang 19.9 percent sales ng Commercial Vehicles na kumakatawan sa 82.9 percent ng mga naibentang sasakyan sa naturang buwan.
Simula Enero hanggang Hunyo, tumaas ang New Vehicle Sales ng 2 percent o sa 230,912 units kumpara sa 226,279 units na naitala sa unang anim na buwan ng 2024.