PORMAL nang binuksan sa publiko ang Track and Field Facilities ng Philippine Sports Commission sa Malate, Maynila; Philippine Sports Arena Complex sa Pasig City at sa PSC, Baguio City.
Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address na dapat matugunan ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon bunsod ng tumataas na bilang ng mga Pinoy na edad 20 pataas na Overweight.
ALSO READ:
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Ayon sa PSC, bukas na sa publiko at libre lamang gamitin ang mga pasilidad mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi araw-araw.
Sa kaniyang SONA, hinimok din ng pangulo ang mga LGU na magpatupad din ng “Car-Free Sundays” gaya ng ginagawa na ng ibang mga lungsod.
