Ngayong dagsa ang bibiyaheng mga motorista hinimok ng Land Transportation Office ang mga motorista na isumbong sa ahensya ang mga tiwaling tauhan ng LTO.
Ayon kay LTO chief Asst. Sec. Markus Lacanilao, kung mayroong mararanasang pangongotong o iba pang uri ng pang-aabuso ng LTO personnel, maaari silang isumbong sa LTO Facebook page.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Tiniyak ni Lacanilao na agad itong tutugnunan ng ahensya.
Samantala, sinabi ng LTO chief na sa paggunita ng Undas 2025, ang ahennsya ay patuloy na mahigpit na magbabantay sa mga terminal at pangunahing lansangan sa buong bansa.
Mananatili ang pag-iral ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025 hanggang sa Nov. 4.
