May nahirang nang judge ang Appeals Chamber ng International Criminal Court na hahawak sa apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinuwekstyong hurisdiksyon ng ICC sa kaniyang kaso.
Si Luz del Carmen Ibáñez Carranza ang magsisilbing Presiding Judge sa inihaing apela ni Duterte.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Si Judge Ibáñez Carranza ay nanilbihan sa ICC simula March 11, 2018.
Sa apela ng kampo ng dating pangulo hiniling na baligtarin ang naunang ruling ng Pre-Trial Chamber I kung saan ibinasura ang pagkwestyon sa hurisdiksyon ng nasabing korte para dinggin ang mga kaso laban sa dating pangulo.
