Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na mag-ingat laban sa mga nagpapanggap na empleyado at umaaktong mga fixer ng permit para sa Minors Traveling Abroad (MTA).
Ito’y matapos makatanggap ang mga staff ng MTA office ng DSWD ng mga ulat hinggil sa mga nag-aalok ng rush o one-day processing ng Travel Clearance (TC) kapalit ng malaking halaga ng pera.
Paalala ng ahensya, tanging ang DSWD MTA lang ang opisyal na opisina na nagpapahintulot ng pag-iisyu ng Travel Clearance o Certificate of Exemption (COE).
Siguraduhin na sa MTA Website: mta.dswd.gov.ph lang mag-apply ng TC na may online payment na P800 at COE na P300.