24 June 2025
Calbayog City
Business

Operasyon ng mga Coin Deposit Machine ihihinto muna ng BSP

coin deposit machine

Inaabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na pansamantalang hihinto ang operasyon ng mga Coin Deposit Machine (CoDM) na nakalagay sa mga mall sa Greater Manila Area, simula ika-17 ng Hunyo 2025.

Ayon sa BSP, maaari pa ring magpapalit ng mga barya gamit ang CoDM hanggang ika-16 ng Hunyo 2025.

Ang operasyon ng mga CoDM ay upang mapag-aralan pa ng husto ng BSP kung paano pa mapapahusay ang sirkulasyon ng barya at ang pagsasagawa ng currency exchange service.

Sasailalim sa pag-aaral ang naging performance ng mga CoDM at alalamin ang posibilidad na maglagay ng iba pang serbisyo gaya ng dagdag na payment options.

Matapos ang pagsusuri, muling ilulunsad ng BSP ang Coin Deposit Machine Program alinsunod sa layon nitong mapabuti ang sirkulasyon ng mga barya.

Umabot na sa halos P1.5 billion ang halaga ng barya na nakolekta ng CoDMs mula nang inilunsad ang mga ito noong Hunyo 2023.

Samantala, maaaring ideposito ng publiko ang fit o malilinis na barya sa mga bangko kung saan mayroon silang bank account.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).