BINIGYANG diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan para sa malinis na mga palikuran sa mga paaralan at tiyakin ang reliable water supply.
Ayon sa pangulo, basic requirement ito para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa pagbisita sa mga paaralan sa Malolos at San Miguel, sa Bulacan, bilang bahagi ng “Brigada Eskwela 2025,” sinabi ni Pangulong Marcos na dapat maresolba ang kondisyon ng school facilities, partikular ang bathrooms, bago ang muling pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Sa kabila naman ng kinakaharap na mga pagsubok, pinuri ng punong ehekutibo ang pagtutulungan ng mga ahensya, sa ilalim ng “Brigada Eskwela.”