PINANGUNAHAN ni Senador Bong Go ang Malasakit sa Kooperatiba Awarding Ceremony for Cooperative Beneficiaries sa Eastern Visayas, sa Barangay Maulong Covered Court, sa Catbalogan City.
Sinabi ni Go na isinulong niya ang naturang programa upang matiyak ang patuloy na pagtulong sa mga kooperatiba.
Umaasa ang Senador na makatutulong ang programa upang mapalago ang mga kooperatiba at magbunga ito ng kapakinabangan sa organisasyon at kanilang mga pamilya.
Nagpasalamat naman si Samar Governor Sharee Ann Tan kay Go dahil sa patuloy na pagtulong sa lalawigan, hindi lamang sa pagbibigay ng cash assistance sa mga kooperatiba, kundi sa iba pang ikauunlad ng probinsya.
Sa naturang event, dalawampu’t tatlong kooperatiba mula sa iba’t ibang bahagi ng Region 8 ang tumanggap ng 50,000 pesos sa pamamagitan ng opisina ni Senador Go, na may kabuuang halaga na 1.150 million pesos.