11 November 2025
Calbayog City
Local

Tandaya Trail sa Samar, pinalawak pa!

PINALAWAK pa ang Tandaya Trail sa Lalawigan ng Samar, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga lugar para sa pasyalan ng mga turista.

Sa press briefing, sinabi ni Samar Provincial Tourism Officer Marvin Piczon, na kabilang sa bagong iaalok ngayong taon ay ang Barobaybay River Cruise at Mangrove Tour sa Barangay Barobaybay, sa Bayan ng Calbiga.

Sa ilalim ng operasyon ng Barobaybay Mangrove and Marine Conservationist Association, ang site para sa cruise ay nasa loob ng 216 hectares ng mangrove at nipa area na nasa kahabaan ng Calbiga River patungong Maqueda Bay.

Ang tour na nakatakdang ilunsad sa Setyembre ay magbibigay sa mga turista ng karanasan hinggil sa paraan ng pangingisda ng mga lokal. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).