KABILANG ang Award-Winning Actress and Singer na si Lea Salonga sa latest celebrities na pagkakalooban ng star sa Hollywood Walk of Fame sa susunod na taon.
Siya ang kauna-unahang Filipina celebrity na makatatanggap ng naturang parangal.
ALSO READ:
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Una nang kinilala ng Hollywood Chamber of Commerce ang tatlong male celebrities na may Filipino Heritage na sina Singer-Songwriter Bruno Mars, Rapper Apl. de. Ap, at Comedian Rob Schneider.
Isa sa mga unang nagdiwang sa pagkakapili kay Lea ang Manila International Film Festival na nag-nominate sa kanya.
Makakasama ni Lea ang tatlumpu’t apat na iba pang Global Entertainment Figures bilang bahagi ng Walk of Fame’s Class of 2026.
