BINIGYANG pugay ng aktor na si Gerald Anderson ang mga rescuers at volunteers na nagbuwis ng kanilang buhay para tumulong sa mga biktima ng bagyong Carina at habagat.
Sa Instagram, nag-upload ng video si Gerald kung saan ipinakita ang kabayanihan ng mga volunteers at rescuers.
Ang post ay mayroong caption na “Filipinos will continue to rise, no matter the obstacles we face. Prayers to all victims of typhoon carina. To all the volunteers and rescuers, maraming salamat.”
Si Gerald ay kabilang sa mga celebrity na tumulong sa mga biktima ng kalamidad sa Quezon City.
Ang aktor na reservist ng Philippine Army ay nag-viral sa social media matapos tumulong sa mga volunteer na mag-rescue sa mga residenteng stranded dahil sa baha.