SUMAMPA na sa tatlo punto labing isang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Kristine, batay sa tala ng Department of Agriculture.
Sa report ng D-A, mayorya ng mga napinsala ay bigas, na tinaya sa 152,440 metric tons.
Ang iba pang agricultural commodities na naapektuhan ng bagyo ay kinabibilangan ng mais na nasa 1,461 metric tons; cassava, 126 metric tons; at high value crops na nasa 6,014 metric tons.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 2,862 animal losses habang siyamnapu’t walong palaisdaan ang naapektuhan ng kalamidad.
Iniulat din ng D-A ang 26 million pesos na halaga ng pinsala sa irrigation facilities ng bagyong kristine.
Inihayag naman ng D-A na mayroong 541.02 million pesos na halaga ng agricultural inputs na available para ipamahagi sa mga apektadong magsasaka.