13 February 2025
Calbayog City
National

Kaso ng Leptospirosis, inaasahang lolobo sa susunod na 2 linggo

INAASAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa susunod na dalawang linggo, kasunod ng malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Kristine.

Sinabi ni DOH Spokesperson, Assistant Secretary Albert Domingo na bumaba na ang datos sa leptospirosis bago manalasa ang Bagyong Kristine, subalit posibleng lumobo na naman ito sa mga susunod na araw matapos ma-expose ang maraming indibidwal sa baha.

Aniya, sa susunod na dalawang linggo ay babantayan ng doh ang kaso ng leptospirosis, hindi lamang sa Bicol, kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito ay nanawagan si Domingo sa mga indibidal na lumusong sa baha na agad magtungo sa health centers o kumonsulta sa mga doktor sa evacuation centers upang malaman kung kailangan nilang uminom ng antibiotics. Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng mga kalamnan at pananakit ng ulo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).