NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,046 cases ng acute watery diarrhea sa Eastern Visayas simula Enero a-uno hanggang kalagitnaan ng Pebrero ngayong taon.
Ang naturang sitwasyon ay bunsod ng matagal nang pag-ulan sa rehiyon.
Sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago, na ang naturang pigura ay mas mababa ng 24 percent kumpara sa 1,376 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Batay sa tala, ang Eastern Samar ang may pinakamataas na bilang ng mga pasyente na nasa tatlungdaan at apat.
Sumunod ang Samar, 224; Biliran, 216; Leyte, 114; Northern Samar, 106; Tacloban city, 62; at Ormoc city, 20.
Nilinaw naman ni Lopez-Malibago na sa kabila ng clusters ng mga kaso sa apatnapu’t isang mga barangay, walang idineklarang outbreak sa rehiyon.