SINIMULAN na ang konstruksyon ng 12 million pesos na Super Health Center sa bayan ng Matag-ob, sa Leyte, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na i-upgrade ang public health services sa naturang munisipalidad.
Pinangunahan ng mga opisyal mula sa Department of Health (DOH) at Local Government Unit ang groundbreaking ceremony, bilang hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon.
Pinasalamatan ni Mayor Bernardino Tacoy ang National Government sa pag-apruba sa kanilang request na magtayo ng upgraded health center para sa dalawampu’t isang barangay sa Matag-ob.
Sinabi ng alkalde na ang kanilang umiiral na Rural Health Unit ay napakaliit kaya kailangan nila ng mas malaking pasilidad na makapagbibigay ng karagdagang health services.
Sa pamamagitan ng Super Health Center, sasailalim ang mga pasyente sa diagnostic exam bago sila i-refer sa ospital kung kinakailangan.