20 May 2025
Calbayog City
National

Pag-ban ni Pangulong Marcos sa POGO, malaking factor sa pagkaka-alis ng pilipinas mula sa FATF grey, ayon sa Palasyo

POGO HUB

NAKATULONG nang malaki ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na ipagbawal ang lahat ng POGO, sa pagkaka-alis ng Pilipinas mula sa Financial Action Task Force (FATF) grey list.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, napakalaking factor ng POGO ban para makita ng FATF ang improvement ng bansa.

Aniya, batay sa Executive Order No. 33, tiniyak na ang mga rekomendasyon ay dapat maisakatuparan upang matanggal ang bansa sa grey list, dahil malaking bagay ito, lalo na sa OFWs at investors.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ng nakaraang taon, na i-ban ang lahat ng POGOs sa bansa, makaraang maiugnay dito ang iba’t ibang krimen, gaya ng human trafficking, serious illegal detention, at money scams.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).