UMABOT sa mahigit 420,000 na bagong mga sasakyan ang naibenta sa Pilipinas simula Enero hanggang Nobyembre.
Batay ito sa datos na inilabas ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA).
Nakapagbenta ang Automotive Industry sa bansa ng 420,776 units sa unang labing isang buwan ng taon.
Sa buwan lamang ng Nobyembre, 37,352 ang naibentang units, na repleksyon ng market participation kasabay ng patuloy na rollout ng mga bagong modelo at Year End Promotions.




