INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit 26 billion pesos na unang inilaan para sa Flood Control Projects ang ire-reallocate sa Education Sector.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month at World Teachers’ Day sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga guro ang nagbibigay ng katiyakan sa kinabukasan ng susunod na henerasyon at ng buong bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya karapat-dapat ang Department of Education (DepEd) sa karagdagang 26.55 billion pesos na Budget, na maaring gamitin para pondohan ang mga classroom, nutrisyon ng mga mag-aaral, kompensasyon ng mga guro, at Technological Equipment.
Inilarawan din ng pangulo ang Education Sector bilang Best Investment na maaring gawin ng bansa para sa kanyang mamamayan.