PORMAL nang inilunsad ng Department of Science and Technology at ng University of the Philippines Diliman ang E-Ferry na papasada na sa Ilog Pasig.
Ang M/B Dalaray ang kauna-unahang E-Ferry na bibiyahe sa Pasig River.
ALSO READ:
Ang M/B Dalaray na ang ibig sabihin ay “Flow of Current,” ay mayroong 100 Kilowatt Twin Electric Motors, Marine-Grade Aluminum Structure, at Hybrid Solar Inverter System.
Kaya nitong magsakay ng 40 pasahero, 3 crew members, at kayang maglayag ng hanggang 45 kilometers o 2 hanggang 3 hours na pagbiyahe.
Ang paglulunsad ng E-Ferry sa Ilog Pasig ay bahagi ng hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan, at layong magkaroon ng isang Eco-Friendly habang pinapanatili na malinis ang katubigan.




